Letter DN-6jO8MA91NMjn May 19, 2026

Dear you,

Hi, kung pinaniwalaan mo 'yon, ang uto-uto mo naman, fren :) Joke lang yon, prank lng, pambawi lagi moqng inaapi hey?

Kung iyon biro, ito seryoso na.
West, mahal kita.

Mahal kita sa paraang gusto kong ramdam mo, mahal kita sa paraang gusto ko alam mo. Hindi ko kayang magmahal nang tahimik kapag ikaw ang iniatas na mahalin-hindi ka karapat-dapat ibigin sa katahimikan, mahalin nang hindi ipinapaalam at nararamdaman. Ang ibigin ka ay ipadama at ipakita.

Walang araw na lumubog nang hindi mo ako nabigyang ngiti sa labi, walang gabing lumipas na hindi mo napawi ang bigat at gulo sa aking isip, lalo ng walang oras na hindi ko naramdamang mahal kita.

Mahal kita, dalawang salita, ngunit 'pag aki'y nang sasambitin tila nawawala ang mga letra sa aking dila, sa dibdib ko'y yumayabag ang presensya ng mga daga-ngunit ang mahalin ka'y ipaalam, kaya "Mahal kita."

Sa t'wing ginagambala ako ng aking puso't isipan, otomatikong lumalayo ako sa mga tao, tila isa ng tipikal na paraan upang guminhawa ang nararamdaman ko, ngunit sa oras na iniharap nila ako sa'yo, walang boses ninuman ang makakapagsabing tumakbo ako palayo.

Dahil mahal kita.

Hindi ko kayang ang kawalan ng presensya ko ay sisimbolo ng pag-ayaw ko sa'yo, dahil ang mahalin ka ay dapat ramdam mo.

Mahal kita.

Ang mahalin ka ay tila pakikinig sa paborito kong banda. Ang mahalin ka ay parang pakikinig sa The Ridleys, at Niki Zefanya, lalo na sa kaniyang kantang: I'm Taking a Chance With You. Ang mahalin ka ay para ring pag-stream sa kanta ng Cup Of Joe na: Oo, sinasagot na kita.

(BOOGsh play Ewan by imago)