Dear DEAR M,,
Andito ka pa rin sa puso ko. Kung huli na talaga ang lahat at wala nang pagkakataong makausap kita o makita ka sa aking mga mata, gusto kong malaman mo na sa libo-libong beses na ginusto kong wakasan ang lahat, ikaw pa rin ang babaeng dahilan kung bakit pinipili ko manatili sa mundong ito, sa kabila ng sakit at pagkasuklam sa lupang hinirang.
Kinalimutan mo ako, ngunit pinaalala mo naman na ang mundo ay matingkad at kasing ganda ng mga mata mong pumukaw sa akin, na tila ba walang katapusan ang pagtingin ko sa'yo. Ngunit wala nang saysay ang lahat ng iyon ngayon, dahil mas pinili mong iligtas ako, kahit ang kaakibat nito ay ang sakit ng pagtalikod mo sa buong pagkatao ko.
At sa bawat yapak palayo sa isa't isa, mas napapalapit tayo patungo sa tamang daan pabalik sa ating mga sarili, upang gamutin ang mga sugat na galing sa pagbaybay sa mundong ito.
Andito ka pa din sa puso ko
kahit ang tanging natitira na lang sa atin
ay ang sakit ng paalam.